Nahaharap sa isang matinding pagsubok

dahil sa blog ko naipapahayag ang totoong nararamdaman ko, wala na po akong maisipan kundi ang sabihin kung ano ang totoong nangyayari ngayon. ako’y nahaharap sa isang matinding pagsubok.
dahil nasa malayong lugar si papa, ako ang lubos na inaasahan nya, lalo na sa pangangalaga ng kalusugan ni mama. marami akong naging responsibilidad, dahil sa mga pagkakataong wala c papa, ako ang tumatayong gabay ni mama, ako bale ang nagsisilbing katuwang nya. sa tindahan, sa bahay, etc.
pero nitong mga nagdaang araw, dahil sa labis na pagod ni mama, sya ay naadmit sa ospital. sa maraming examination na pinagdaanan nya, napagalaman na bumaba ang platelets nya. at ang talagang nakakabagabag saken eh, may mga blasts daw na nakita sa resulta ng dugo nya.
umabsent ako ng dalawang subjects dahil biglaang nagtext si mama saken, sa kalagitnaan ng class ko sa literature. after ng class ko, nagmamadali akong pumunta sa payphone, baka sakaling maunahan pa ako. swerte ko at walang gumagamit ng payphone kaya naman tumawag ako sa cellphone ni mama. nang malaman kong nasa ER si mama sa ospital, di na ako nagpatumpik tumpik pa, dahil alam kong nalalagay sa alanganin si mama. ni hindi ko nga alam nung mga oras na yon kung may kasama sya.
nagtaxi ako papunta sa ospital. pagbaba ko sa ospital, nalito pa ako kung san ang entrance. pumasok na lang ako kahit san at nagtanong ako sa information. ang sabi ng information eh wala pa daw ang pangalan ng mama ko sa listahan ng mga naadmit, kaya medjo nag-alala ako. pero sigurado akong sa ospital na yon naadmit si mama, sinabi rin ksi ni mama kung ano ang pangalan ng hospital sya naroon. sinabi ng information na subukan ko daw sa ER, baka sakaling waiting. nang makapasok ako sa ER, nakita ko si Tita. mabuti na lang at may kasama si mama. akala ko wala syang kasama eh.
kinumusta ko ang condition ni mama. ang sabi nya, masama daw ang pakiramdam nya. naawa talaga ako sa kondisyon ni mama, dahil alam kong pagod na pagod sya lalo na sa pagaasikaso ng tindahan. nagsisisi ako kse minsan di ko sya natutulungan lalo na sa gawaing bahay.
paikot ikot ako sa ospital, para makakuha ng form sa admission ni mama. after 20-30 minutes of walking, naghintay na lang kami kung kelan maaadmit si mama.
habang naghihintay kme sa ER, dumating ang doctor na mageexamine kung ano talaga ang totoong sakit ni mama. binasa ng doctor ang mga resulta ng mga examinations ni mama sa lab, at may mga tinanong ang doctor sa kanya. habang may tinatanong ang doctor sa kanya, tahimik akong nagdadasal na sana, hindi malubha ang sakit nya.
inusisa ng doctor ang salitang “blasts”. nakinig ako, at ang ibig sabihin ng blasts ay immature platelets na nagsislip sa blood vessels. normally, ang mga immature platelets daw ay nasa bone marrow, at kapag nagmature na ang mga platelets ay tsaka lamang sila magcicirculate sa blood vessels. now, I have come up to an idea na may maintenance na gamot na iniinom si mama, na Euthyrox 100. ito ay para sa hypothyroidism nya, sa madaling salita, hindi na sya nakakapagproduce ng thyroid hormones, na talagang napakaimportante. ang gamot na yon, sabi ni mama, ay nakakapagparupok daw ng buto. kung ang gamot na yon ay may kinalaman sa pagpaparupok ng buto ni mama, malamang nagkaron ng daanan ang mga immature platelets patungo sa blood vessels. well hindi naman ako sigurado sa mga sinasabi ko, dahil HINDI ako specialist sa blood at bones! pero may background ako sa anatomy, hindi naman rason yon!
anyway, naluluha ako habang nakikinig ako sa conversation ni mama at ng doctor. pinapanalangin ko na sana ay mali ang iniisip ko, na sana ay walang malubhang sakit si mama. at dahil don kaya napaluha na lang ako. pero bago pa man bumagsak ang mga luha, agad ko na itong napigilan.
habang ako’y pauwi, di ko maiwasang ilabas ang lahat ng pag-aalala at luha. iniisip ko na kulang pa ang 17 years na pagsasama namin ni mama, at gusto ko pang madagdagan ito ng marami pang taon ng pagsasama. gusto kong makita nyang nakatapos ako ng pag-aaral. mahal na mahal ko si mama, at alam kong wala ng papantay sa pagmamahal ng isang ina. iniisip ko, sana masamang panaginip na lang ito. at sa paggising ko, isang masayang pamilya na walang problema at walang karamdaman.
pinapanalangin ko sa Diyos na sana eh bigyan pa si mama ng magandang kalusugan. na sana ay di Niya pabayaan si mama sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nya. at ganun din ako at si papa, na sana ay tulungan kami ng Diyos na maging matatag sa kabila ng pagsubok na ito.
hindi ko pa alam ang totoong sakit ni mama, pero walang imposible kung magdadasal at magtitiwala ako sa Diyos, dahil sa mga oras na to, wala akong ibang matatakbuhan at mahihingan ng tulong kundi ang Diyos lang at wala ng iba.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: