Reclusion Perpetua vs. Death Penalty

Ang susunod na artikulong mababasa po ninyo ay isa po lamang sa libo libong opinyon tungkol sa issue ng uri ng pagpaparusa sa mga taong may mabibigat na pananagutan sa batas.

Tandang tanda ko pa ang isa sa mga malalaking kaganapan noong ako’y nasa ikatlong baitang ng elementarya pa lamang. Si Leo Echegaray ay humarap sa pinakamabigat na parusa, ang lethal injection, noong February 5, 1999. Hindi pa malinaw sa akin nung mga panahong yun, kung bakit ganun ganun na lamang ang ginawa nila sa kanya. Habang ako’y namumulat sa mga katotohanan sa buhay, dun ko napagalamang si Leo Echegaray pala ay isang kasuklam suklam na nilalang.

Sa ganitong uri ng pagkakasala na ginawa ni Echegaray, sino ba naman ang hindi masusuklam? Mantakin nio, sariling anak pa nya ang pinili nyang gahasain. Bakit naman kaya may mga walang hiyang tulad ni Echegaray ang nasikmura pang samantalahin ang isang inosenteng batang, sampung taong gulang pa lamang, at sariling anak pa nya mismo?! Aba, dapat ang isang magulang ang magsilbing ehemplo ng mga magagandang asal? Eh yan si Echegaray, sya pa nga mismo ang naging ehemplo ng mga hayop na magulang na walang awa sa kanilang mga anak! Buti nga at noong mga panahong yun eh makatuwiran pa ang parusang kamatayan. Lahat natatakot na makagawa ng krimen, o baka sila ang sumunod sa yapak ni Echegaray. Eh ngayon?

 “KAPAYAPAAN, SANA’Y MATIGIL NA ANG GULO AT PATAYAN, ETC. ETC. ”         eto ang madalas na naririnig natin sa mga taong gustong mamuhay ng mapayapa. well lahat naman tayo eh may gusto ng ganyang uri ng pamumuhay dba? Pero sa tingin nio ba, may mangyayari ba kung ang mga salitang yan ang syang magiging bukambibig natin? Kung di aaksyon, walang mangyayare. Kung di kikilos, pasasaan pa ang mga kumikinang na mga salitang yan dba?

 Marami ang tutol sa parusang death penalty dito sa Pilipinas. Ngunit, mas maraming aprub sa ganitong klaseng parusa. At ako naman, 85% Aprub, 15% hinde. May mga ibang aspeto ksi na masasabi kong hindi karapat dapat ang isang nahatulan ng bitay. Malamang nagtataka pa rin ako kung may mga taong nabitay na, (syempre!) at ang totoo eh inosente naman pala. Pero sa tingin ko eh malabo yun. Kelangang lumitaw ng isang bigating witness, bago mahatulan ang isang akusado ng bitay. (yun!)

May nabasa akong balita sa philstar kanina, at ang balitang yon eh walang pinagkaiba sa ginawa ni Echegaray sa kanyang anak. Isang malakas na sampal ang tinanggap ng isang ama mula sa isang mayor, ang dahilan eh dahil ginahasa di-umano ng ama ang kanyang sariling anak. Aba’y kawalang hiyaan din ang ginawa ng ama na yon! At napakahayop nya para gawin yon sa kanyang sariling anak. Isa syang demonyo.

 Sa tingin ko, kahit hati ako sa issue ng death penalty at reclusion perpetua (life imprisonment), nararapat na rin na magpanukala ng batas para sa lethal injection. Alam ko at alam nio na dumarami na ang karahasan at patayan dahil alam mismo ng mga gumagawa non, na takot sila pag naging legal na naman ang lethal injection dito sa bansa. At alam nio na hindi sapat para sa mga gumawa ng karumal dumal na krimen ang mapatawan lamang ng habang buhay na pagkakabilanggo. Ang buhay na sinira ng isang kriminal ay di na mababawi pa, and still I believe in the “eye for an eye” philosophy. Ang buhay na sinira nya, buhay din nya ang magiging kabayaran.

On the Government Side:

Di ko na matandaan kung kelan talaga inabolish ng administrasyong Arroyo ang Death Penalty. Ang pagkakaalam ko, ang simbahan ang syang tumututol sa parusang kamatayan, at ang isang asset ng administrasyong ito ay ang simbahan. Noong kasagsagan ng muntik na pagpapatalsik sa administrasyong ito, ang simbahan ang nagsilbing matatag na tagapagtanggol nito. At dahil “submissive” ang administrasyong Arroyo, syempre, tutol na rin si President Arroyo sa parusang kamatayan. Siguro eh dahil alam ni Arroyo na mapapakinabangan nya ang simbahan sa bandang huli. At sakaling tuluyang mawala na ang tiwala ng taong bayan kay Arroyo, syempre kanino na nga lang ba ang simpatya?

Alam kong matagal ng sinunod ni Arroyo ang utos ng simbahan. Pero ang ipinagtataka ko lang eh kung bkit noong mga panahong yun, eh uraurada ang pagdedesisyon nyang iabolish ang parusang kamatayan, at instead, habang buhay na pagkakulong na lamang ang ipapataw sa mga demonyong napatunayang nagkasala? Dahil ba ramdam na ni Arroyo nung mga panahong yon na nalalapit na ang kanyang pagbagsak? duwag pala sya eh! duwag na nga, magnanakaw pa! kaya d na nakapagtataka kung bkit nagdalawang isip ang World Bank kung pauutangin pa ba ang Pilipinas.

Now this leaves us with this question: Payag ba kayong ibalik ang Lethal Injection dito sa bansa, o mananatili na lang sa habang buhay na pagkakabilanggo ang pinakamataas na parusa?

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: