Stormy Monday

Maulan na kaninang umaga, pagkagising na pagkagising ko. Mali ang prediction ko na magiging maaraw ang Lunes ko ngeon. mula pa nung friday eh hindi na maganda ang panahon, hindi na nagpakita si kaibigang araw.

—Morning— 

pagsakay ko ng tricycle kaninang umaga, eh malakas pa rin ang buhos ng ulan. madalang ang mga tricycle na dumadaan, dhil nga sa sama ng panahon. May dumaang tricycle na papunta sa multicab station. Hindi ako pumasok sa tricycle kse may nakaupong isang mama. Ayoko ng makitabi sa kanya ksi alam kong masikip, at may posibilidad na kalawangin ang polo ko pag nagkataong tumabi pa ako sa kanya, (puro kalawang ksi ang mga tricycle! hmmph!) So sumakay ako sa likod ng tricycle (ibig sbhin, katabi ng driver o ung tipong nakikiangkas na nakaupo sa likod ng driver. “back ride” kung tawagin.) Dhil nakalambitin ang trapal, umaagos ang tubig mula sa bubungan ng tricycle. Ang masaklap, basang basa ang pantalon ko, almost three fourhts of it, basa. nakakaawa talaga ako.😦 so dhil hindi na ako nakatiis sa sobrang wetness ng pantalon ko, pumasok n lng ako sa tricycle. napakabait talaga ng mama ksi sa halip na manatili sya sa kinauupuan nya eh lumipat sya sa kabilang side para d ako masikipan. ang bait talaga. Nagpasalamat ako sa kabaitang ginawa nya. and it made my day too. Pero at least ha, di bale ng mabasa, wag lang marumihan! nang makarating na ako sa school eh tuyong tuyo na ang pantalon ko.

—Afternoon—

wow! kala ko matatapos na ang lahat. alas kwatro ng hapon nang umihip ang napakalakas na hangin at humagupit ang napakangingilabot na ulan! di ko sukat akalain na dumaan pala ang bagyo dito sa lugar namin kanina. di ko alam ang pangalan ng bagyo weh, basta ang alam ko may bagyo talaga! excited na akong umuwi kea lng hinintay ko pang matapos ang class ko.

Paglabas namin ng campus, nagpayong kagad ako kasama c lettie. ang nakakatawa, halos tangayin ng hangin ang payong ko. dhil mumurahin lng ang payong na yon, ndi nakapagtatakang mawawasak un. at yun nga ang nangyare, wasak! haha. naghintay kmi ng jeep na masasakyan, at dhil may mga jeep na dumadaan papuntang SM pero puno naman, nagpasya kami ni lettie na lakarin ang napakahabang kalsada hanggang makahanap kami ng sasakyang pang SM. at sa bus na lang kami sumakay. sa ten pesos na ticket, masasabi kong sulit na sulit ang binayad ko. Hindi na nga ako nabasa, tumagal pa kami sa bus at malaki ang konsumo nun sa gasolina, at aircon pa! at kaya pala kami tumagal sa bus, eh dhil sa napakabigat na traffic lng naman. pero tumagal lang ng 45 minutes ang traffic, aba, malayo layo rin ang SM!  pagbaba namin sa SM eh tapos na ang ulan, at tapos na rin ang bagyo. direcho kagad ako sa terminal ng van, para makauwi na sa bahay.

 isa na nman ito sa mga hindi ko makakalimutang experiences. Kahit na masama ang panahon, naging masaya naman ako.

2 Tugon to “Stormy Monday”

  1. cdy173 Says:

    maulan pala journey mo kahapon..
    tenk u sa pagdalaw sa aking blog🙂

  2. meonthego Says:

    walang anuman po un.. napakaganda ng blog mo..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: