Cellphone or Computer?

Perhaps, eto na nga ang ang masasabi kong mga importanteng bagay na pagmamay-ari ko, or what I call as my personal assets. cellphone dito, cellphone doon, basta’t nasa pilipinas ka, yan ang talagang makikita mo. kung sa pilipinas ka nag-aaral, madalang mong makikitang ang mga estudyante eh may hawak na laptop. it’s because it is not required to bring so. dinadala lang nila ang mga laptop pag may mga gagawin silang powerpoint presentations o kung medjo nakakaangat ka sa iba, pede kang makapag wi-fi.

ang mga cellphone (ketai sa salitang nihonggo), ay ginagamit sa pagtawag, sms, pagkuha ng larawan, pakikinig ng mp3, etc. etc. ang ibang cellphone ay pinapantayan na ang mga pangunahing gawain ng mga computer. pero sa tingin nio, nakakalamang kaya ang cellphone?

according to my economics professor (marami talaga akong natutunan sa kanya), ang ibang universities at colleges sa amerika, eh nagrerequire sa mga students nila ng laptop. therefore, kapag nasa isang specific na university ka nag-enroll sa amerika na nagrerequire seo ng laptop, kelangan mong bumili kahit isa man lang. ang laptop computer ksi sa ibng bansa, eh hindi naman talaga kasing mahal kung ikukumpara d2 sa atin. kahit ang mga segunda manong laptop computers na minamarket online eh malaki pa rin ang halaga. yun eh dahil ang mga pyesa ng laptop computer ay napakaliit, at syempre mabigat sa bulsa. ang laptop computer eh pede mong dalhin kahit san, sa park, sa paliparan, sa daungan, o khit nakasakay ka pa sa eroplano! ang laptop ay para ring cellphone, kaya lang ang cellphone ay may mga limitasyon. at wala akong pagaalinlangang sasabihin na mas nakakaangat ang computer kesa sa cellphone. Gusto kong ipaliwanag senyo kung bakit.

-ANG PAGKAKAIBA NG CELLPHONE AT NG COMPUTER-

ang mga laptop na to ay galing Japan. sa unang tingin eh mukhang mamahalin. pag inexport yan sa pilipinas, yan eh magiging sobrang mahal. aabutin ng higit pa sa 100,000 lang naman. san nio kaya pupulutin ang ganyang kalaking halaga?! sa tingin nio, napantayan na nga ba ng cellphone ang mga ganitong klaseng computer?

….Cellphone….

Nokia, Samsung, Motorola, tatlo lang yan sa mga pangunahing tatak ng cellphone na patok na patok sa mga Pilipinong nakatira sa Pilipinas. Hindi ba’t ang Pilipinas ang texting capital ng asya, at ng buong mundo? Kung sa texting ang paguusapan, hindi papatalo ang mga pilipino. Sa pabilisan ng pagtext, nako, mapapataob ang banyaga. Pero alam nio ba noong nagboom ang cellphone industry sa Pilipinas, eh hindi pa masyadong kilala ito sa mga mauunlad na bansa, gaya ng Amerika at Canada? Well, ang tinuturing kong hindi masyadong kilala ay ang texting. Sa ibang bansa kse, kilala ang mga mobile phones or cellphones sa pagtawag, at hindi sa pagpapadala ng SMS. Hindi ko rin alam kung bakit, “texting” ang naging term para sa salitang SMS! ahh di na mahalaga yon!

Maiba tayo, noong nakaraang taon eh naging bago sa atin ang salitang 3G. ang 3G ang tinatawag na 3rd generation ng mga mobile phones. ano nga ba to? ang 3G phones are used for video conferencing, pagpapadala ng mga images, and most of all, internet mobile surfing. sa paraang ito, makakausap nio na ang mga mahal nio sa buhay san man kayo naroon. basta’t may support na cellsite para sa 3g nio eh pedeng pede.

ang mga ito ay ang tinatawag na 3g phones. pede nio itong gamitin para sa video conference, pagkuha ng mga larawan, at pagsusurf sa internet or mobile surfing.

sa mga katangian ng mga 3g phones, mapapansin niong halos wala na ring pinagkaiba ang computer dito. pero kung susuriin niong mabuti, obvious namang malaki ang agwat ng difference nila sa isa’t isa. maaaring makakuha ng litrato gamit ang cellphone 3g camera, maaari rin namang magstore ng information gamit ang cellphone. pero kaya ba ng cellphone na magphotoshop? kaya ba ng cellphone na magstore ng napakaraming bytes ng information?

My cellphone right now is a Nokia 6630. Medjo may kalumaan na rin but believe me, hindi dapat ismolin ang cellphone ko. ksi it was made straight from vodafone. ang pinakamagandang feature ng cellphone ko eh ang mala-digital camera na output. pede naman akong mag video conference at video call kse 3g built in ang phone ko, kelangan ko nga lng ng salamin, kse wala akong front camera. i really enjoy this phone a lot.

sa previous entry ko na Buhay Chatter/Internet part 1, I described myself as a computer addict. and I am much more addicted to computers kesa sa cellphones, kse malawak ang sakop ng computers lalo na kapag ikaw ay nakakunekta sa internet. unlike cellphones, the usage of the computer is very convenient, with the exemption of the electricity bill of course. pero ano ba ang meron sa computer na wala sa cellphone?

….Computer….

Ikinabahala ng buong mundo ang millennium bug noong January 1, 2000.

Magwawalong taon na ang nakalilipas nang nasaksihan ng buong mundo ang pagdating ng bagong milenyo. ikinatakot ng buong mundo ang issue ng millennium bug, na kung saan sisira sa mga computer na ginawa bago pa man sumapit ang 2000. naalarma ang mga malalaking kumpanya ng kuryente, mga paliparan, media, at kung ano ano pang kumpanya na umaasa lng sa computer, dahil baka ndi nila maipagpatuloy pa ang kanilang regular na operasyon. nung sumapit ang unang araw ng milenyo eh wala namang nangyare! parang nabunutan ng tinik ang mga malalaking boss ng malalaking kumpanya na umaasa sa computer.

Isa lamang itong paglalarawan kung ano talaga ang pangunahing characteristic ng isang computer, maaasahan. Sa bilis ba naman ng computer eh wala ng mas tatalo pa rito. sa panahon ngeon, umaasa na lng tayo sa computer. at halos lahat ng negosyo ay kaya na ring mapatakbo ng computer. at habang tumatagal, ang mga tao ay maaganag tumataba dhil d na sila nagkikikilos, pinapaubaya na lang nila sa computer ang lahat.

ang internet ang pinakamalawak na komunidad sa computer world. it covers the entire globe, where everyone can send and share files, on real time, wherever you are. pede mo na ring makausap ang mga mahal mo sa bahay kahit san ka man sa mundo, at pede mo na rin iexpress ang sarili mo sa buong mundo tulad na lang ng ginagawa ko ngeon. kung tutuusin, eto na ang bagong pamamaraan ng komunikasyon. sa murang halaga, tinalo pa nito ang cellphone. eh pano naman kse, ang mahal ng charge ng cellphone… kung unlimited man yan, eh on a limited place lang nman, (e.g, Philippine calls only)

Anumang mga suhestyon ay tatanggapin ko, salamat po sa pagbasa.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: