Sa mga masugid na tagabasa ng Me on the GO!

Disyembre 18, 2007

mawawala po muna ang inyong lingkod ng ilang araw dahil may mga mahalaga akong dapat gawin. ang pagbablog ko ay ndi po isa sa mga prayoridad ko sa mga pagkakataong ito. hayaan nio po akong makabawi pag bumuti na ang lahat ng mga bagay sa tinatahak kong daan. Maraming salamat po sa pag-unawa.

-Liham mula sa may-akda.

(naks, ang lalim ng pananagalog mo chong!)

hahaha :)) :))

My hatest, but the most colorful year ever!

Disyembre 13, 2007

“ang pagsubok nandyan, kasama yan sa ating buhay, para rin magkakulay”

eto ang isa sa mga linya ni kim chiu sa kanta nyang Kering Keri, sa isang shampoo commercial. kung tutuusin, hindi mo maeexperience ng totoo ang buhay kapag wala kang downs, at puro ups na lang ang nararanasan mo. you get experiences when something happens wrong. but what if dreadful experience awaits you, at baka humiling ka pa na sana ay isang masamang panaginip lang yon?

2007, for me, is the most colorful year ever. and the hatest year too. yan ang confessions ko sa friend kong si suzette na classmate ko sa marketing 11. she even opened up na ang year na ito ang pinakaayaw nya sa lahat. I won’t tell the reason why she hates this year, because it is very personal. this year, marami akong bad experiences sa buhay. pero sa paglipas ng oras, natutunan kong magcope up at ituloy ang buhay. ang sabi nga ni mama, ang problema’y kelangang harapin, di dapat talikuran.

ang bumabagabag saken, pano ko kaya ice-celebrate ang pasko, sa kabila ng mga problemang to. sayang, marami pa naman akong balak sa pasko. balak kong magluto ng mga masasarap (spaghetti, tonkatsu na chicken at hindi pork, fruit salad, leche flan, etc.) napapaluha na lang ako kapag naiisip kong bigo na naman ako. ang akala ko’y magiging masaya ako sa pasko, pero kabaliktaran pala ang mangyayare.

ang mga kantang “potter’s hand” at “lead me lord” ang mga kantang gumagabay saken. Magtitiwala lang ako sa Kanya, at walang imposible, tutulungan Nya ako.

why does it need to happen??

Disyembre 13, 2007

I may be emotional here, pero hindi na talaga biro ang mga experiences ko ngeon.. Sana masamang panaginip lang ang lahat ng to.😦 I caN’T help to be disappointed and depressed pag nangyari ang kinatatakutan ko. It’s personal and I don’t want to share what I really feel right now. basta ayokong sabihin sa inyo ang kinikimkim ng damdamin ko. please, help me pray na sana marecover ko ang ganitong klaseng pagsubok. salamat po.😦😦

Nahaharap sa isang matinding pagsubok

Disyembre 10, 2007

dahil sa blog ko naipapahayag ang totoong nararamdaman ko, wala na po akong maisipan kundi ang sabihin kung ano ang totoong nangyayari ngayon. ako’y nahaharap sa isang matinding pagsubok.
dahil nasa malayong lugar si papa, ako ang lubos na inaasahan nya, lalo na sa pangangalaga ng kalusugan ni mama. marami akong naging responsibilidad, dahil sa mga pagkakataong wala c papa, ako ang tumatayong gabay ni mama, ako bale ang nagsisilbing katuwang nya. sa tindahan, sa bahay, etc.
pero nitong mga nagdaang araw, dahil sa labis na pagod ni mama, sya ay naadmit sa ospital. sa maraming examination na pinagdaanan nya, napagalaman na bumaba ang platelets nya. at ang talagang nakakabagabag saken eh, may mga blasts daw na nakita sa resulta ng dugo nya.
umabsent ako ng dalawang subjects dahil biglaang nagtext si mama saken, sa kalagitnaan ng class ko sa literature. after ng class ko, nagmamadali akong pumunta sa payphone, baka sakaling maunahan pa ako. swerte ko at walang gumagamit ng payphone kaya naman tumawag ako sa cellphone ni mama. nang malaman kong nasa ER si mama sa ospital, di na ako nagpatumpik tumpik pa, dahil alam kong nalalagay sa alanganin si mama. ni hindi ko nga alam nung mga oras na yon kung may kasama sya.
nagtaxi ako papunta sa ospital. pagbaba ko sa ospital, nalito pa ako kung san ang entrance. pumasok na lang ako kahit san at nagtanong ako sa information. ang sabi ng information eh wala pa daw ang pangalan ng mama ko sa listahan ng mga naadmit, kaya medjo nag-alala ako. pero sigurado akong sa ospital na yon naadmit si mama, sinabi rin ksi ni mama kung ano ang pangalan ng hospital sya naroon. sinabi ng information na subukan ko daw sa ER, baka sakaling waiting. nang makapasok ako sa ER, nakita ko si Tita. mabuti na lang at may kasama si mama. akala ko wala syang kasama eh.
kinumusta ko ang condition ni mama. ang sabi nya, masama daw ang pakiramdam nya. naawa talaga ako sa kondisyon ni mama, dahil alam kong pagod na pagod sya lalo na sa pagaasikaso ng tindahan. nagsisisi ako kse minsan di ko sya natutulungan lalo na sa gawaing bahay.
paikot ikot ako sa ospital, para makakuha ng form sa admission ni mama. after 20-30 minutes of walking, naghintay na lang kami kung kelan maaadmit si mama.
habang naghihintay kme sa ER, dumating ang doctor na mageexamine kung ano talaga ang totoong sakit ni mama. binasa ng doctor ang mga resulta ng mga examinations ni mama sa lab, at may mga tinanong ang doctor sa kanya. habang may tinatanong ang doctor sa kanya, tahimik akong nagdadasal na sana, hindi malubha ang sakit nya.
inusisa ng doctor ang salitang “blasts”. nakinig ako, at ang ibig sabihin ng blasts ay immature platelets na nagsislip sa blood vessels. normally, ang mga immature platelets daw ay nasa bone marrow, at kapag nagmature na ang mga platelets ay tsaka lamang sila magcicirculate sa blood vessels. now, I have come up to an idea na may maintenance na gamot na iniinom si mama, na Euthyrox 100. ito ay para sa hypothyroidism nya, sa madaling salita, hindi na sya nakakapagproduce ng thyroid hormones, na talagang napakaimportante. ang gamot na yon, sabi ni mama, ay nakakapagparupok daw ng buto. kung ang gamot na yon ay may kinalaman sa pagpaparupok ng buto ni mama, malamang nagkaron ng daanan ang mga immature platelets patungo sa blood vessels. well hindi naman ako sigurado sa mga sinasabi ko, dahil HINDI ako specialist sa blood at bones! pero may background ako sa anatomy, hindi naman rason yon!
anyway, naluluha ako habang nakikinig ako sa conversation ni mama at ng doctor. pinapanalangin ko na sana ay mali ang iniisip ko, na sana ay walang malubhang sakit si mama. at dahil don kaya napaluha na lang ako. pero bago pa man bumagsak ang mga luha, agad ko na itong napigilan.
habang ako’y pauwi, di ko maiwasang ilabas ang lahat ng pag-aalala at luha. iniisip ko na kulang pa ang 17 years na pagsasama namin ni mama, at gusto ko pang madagdagan ito ng marami pang taon ng pagsasama. gusto kong makita nyang nakatapos ako ng pag-aaral. mahal na mahal ko si mama, at alam kong wala ng papantay sa pagmamahal ng isang ina. iniisip ko, sana masamang panaginip na lang ito. at sa paggising ko, isang masayang pamilya na walang problema at walang karamdaman.
pinapanalangin ko sa Diyos na sana eh bigyan pa si mama ng magandang kalusugan. na sana ay di Niya pabayaan si mama sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nya. at ganun din ako at si papa, na sana ay tulungan kami ng Diyos na maging matatag sa kabila ng pagsubok na ito.
hindi ko pa alam ang totoong sakit ni mama, pero walang imposible kung magdadasal at magtitiwala ako sa Diyos, dahil sa mga oras na to, wala akong ibang matatakbuhan at mahihingan ng tulong kundi ang Diyos lang at wala ng iba.

Sunny outside, despair on the inside

Disyembre 9, 2007


Kahit na maaraw sa labas, malungkot pa rin ako ngayong araw na to. hayyy. I would just to be confidential kung anong nararamdaman ko as of the moment. I hope, darating din ang time na handa na akong sabihin ang totoong hinanakit na nararamdaman ko.😦

Umpisa na ng prelims next week

Disyembre 7, 2007

abala ako during the past weeks at talagang wala akong maisipang ipost. pero ngayon sa tingin ko meron na😀

maraming nangyaring maganda, panget, at nakakainis sa akin nung nagdaang linggo. ang nabigong destabilisasyon nila trillanes ay nabigo ko ring gawan ng editoryal, sa kadahilanang abalang abala ako sa pag-aaral, at syempre pagchachat. ang performance ko sa literature ay nagbabago naman for the better. kahit mahirap at kahit ayokong magbasa ng mga stories na mahahaba, pinipilit ko na lang, tutal wala namang mawawala kung magbabasa ako. ano pa nga ba??

excited na ako sa christmas day. at paskong pasko na nga ang theme ng blogsite ko. pero bago pa man sumapit ang pasko, kelangan ko munang dumanas sa pinakahuling kalbaryo ngayong taong to, ang prelim midterms namin.. bwahaha.. well wala namang kaming masyadong pag-aaralan ksi ndi naman kami magtetest sa lahat ng mga subjects. sa HR subject in particular, apat na chapters ang pagaaralan namin. hmmm kayanin ko kaya yon?

ang tagal ko ring hindi nakapagpost

Disyembre 6, 2007

medjo busy po sa lahat ng mga gawain sa school eh.. malapit na ang prelims namin.

Blog Statistics, For month Ended, November 30, 2007

Nobyembre 30, 2007

Me on the GO!

Blog Statistics Report

For Month Ended, November 30, 2007

 – I n t r o d u c t i o n –

 

The period covered is from November 14 until November 30 of the above year. Due to the renovations and reasons for change of URL, the range of those dates will be counted as a MONTH. Therefore, being the first blog statistics report, Me on the GO! will be considered as a Calendar Year blog.

 

The Main Report-

 

The summation of views from the Referrers and Search engine terms from November 14, 2007 to November 30, 2007 is 498. November 25 has the highest day of views, with 201 views. The details are as follows.

 

Blog Stats

Total Views: 498

Best Day Ever: 201

For the purpose of audit, it is obliged to post all totals in detail:

Totals

Posts: 24

Comments: 5

Categories: 4

Tags: 15

Comparisons shall be evaluated on the Year Ending, December 31, 2007.

 

 

 

My Hatest Subject for this Semester

Nobyembre 28, 2007

mixed emotions.. inis, lungkot, pagsisise.. lahat ng mga bad emotions!

well ang nangyare lng naman saken kanina..

– Di ko nakumpleto ang assignment ko sa Literature
– Halos blanko ang sagot ko sa assignment ko sa Literature
– Sinayang ko ang 80 points assignment ko sa Literature
– Hindi ko alam kung papasa ako sa sa exam namin kanina sa Literature
– Nakakatamad basahin ang mga boring na kwento sa Literature
– Inaantok ako pag Literature!
– Literature Literature Literature!!!

I hate this subject! Alam ko umpisa pa lang, I know I will really hate this subject! Kahit anong gawin kong pagsusumikap sa pagbabasa ng mga kwento, I don’t have interest on it. My heart belongs to business and accounting, (Business Major ako) not Literature! Parang first sem, I also hate biology! Ngayon naman, I hate Literature! Para naman kasing ginagawang major yang Literature na yan eh! Dinaig pa nya ang accounting at Business subjects namin sa hirap at hasel. Hindi naman ako AB Linguistics and Literature major eh! Nakakaines! Kung ano ano ang pinapabigay na assignments sa amin. Para kaming mga high school na nagdodrawing ng kung ano ano! Pinapagawa kami ng poem, kelangan pang may disenyo. Ano yon, pambata?? Puta nasa kolehiyo na ako at inasahan kong mawawala na yan sa buhay ko yang pagdedesign design na yan! Hanggang ngeon may mga ganyan pa rin! Di ko maiwasang magwala’t magmura eh.

Tapos, di ko pa maintindihan ang mga stories ng Literature subject ko na yan! Naiintindihan ko yung mga poems, pero yung mga stories? Short stories nga, eh umaabot naman ng page 12 tapos ang liliit pa ng mga font, yan ba ang short story!? Tapos nakakaantok pa ang mga nilelecture sa amin. Puro group activity, I hate working in groups! I prefer to be alone, kasi alam ko nageexcel ako pag nag-iisa lang akong gumagawa ng task.

Basta from now on, I hate Literature. Eto ang una’t panghuling literature subject sa buhay ko!

Sa wakas! Me on the GO! is back!

Nobyembre 27, 2007

sa mga araw na idle ako, yun eh dahil nagaalala ako kung ano na ang nangyayare sa blog ko. dahil nadidirect sa maling website ang Me on the GO!, kaya d ako nakakapagpost ng maayos dahil eto nga ang bumabagabag saken. so i’ll start posting tomorrow!

by the way, kaya pala  nagkaron ng problema ang wordpress eh dahil sinecure nila ang login form nila! Good Job WordPress! it makes us feel secure now to prevent those phishing sites, etc. Thanks!


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.