Archive for the ‘Tagalog Editorial’ Category

Reclusion Perpetua vs. Death Penalty

Nobyembre 22, 2007

Ang susunod na artikulong mababasa po ninyo ay isa po lamang sa libo libong opinyon tungkol sa issue ng uri ng pagpaparusa sa mga taong may mabibigat na pananagutan sa batas.

Tandang tanda ko pa ang isa sa mga malalaking kaganapan noong ako’y nasa ikatlong baitang ng elementarya pa lamang. Si Leo Echegaray ay humarap sa pinakamabigat na parusa, ang lethal injection, noong February 5, 1999. Hindi pa malinaw sa akin nung mga panahong yun, kung bakit ganun ganun na lamang ang ginawa nila sa kanya. Habang ako’y namumulat sa mga katotohanan sa buhay, dun ko napagalamang si Leo Echegaray pala ay isang kasuklam suklam na nilalang.

Sa ganitong uri ng pagkakasala na ginawa ni Echegaray, sino ba naman ang hindi masusuklam? Mantakin nio, sariling anak pa nya ang pinili nyang gahasain. Bakit naman kaya may mga walang hiyang tulad ni Echegaray ang nasikmura pang samantalahin ang isang inosenteng batang, sampung taong gulang pa lamang, at sariling anak pa nya mismo?! Aba, dapat ang isang magulang ang magsilbing ehemplo ng mga magagandang asal? Eh yan si Echegaray, sya pa nga mismo ang naging ehemplo ng mga hayop na magulang na walang awa sa kanilang mga anak! Buti nga at noong mga panahong yun eh makatuwiran pa ang parusang kamatayan. Lahat natatakot na makagawa ng krimen, o baka sila ang sumunod sa yapak ni Echegaray. Eh ngayon?

 “KAPAYAPAAN, SANA’Y MATIGIL NA ANG GULO AT PATAYAN, ETC. ETC. ”         eto ang madalas na naririnig natin sa mga taong gustong mamuhay ng mapayapa. well lahat naman tayo eh may gusto ng ganyang uri ng pamumuhay dba? Pero sa tingin nio ba, may mangyayari ba kung ang mga salitang yan ang syang magiging bukambibig natin? Kung di aaksyon, walang mangyayare. Kung di kikilos, pasasaan pa ang mga kumikinang na mga salitang yan dba?

 Marami ang tutol sa parusang death penalty dito sa Pilipinas. Ngunit, mas maraming aprub sa ganitong klaseng parusa. At ako naman, 85% Aprub, 15% hinde. May mga ibang aspeto ksi na masasabi kong hindi karapat dapat ang isang nahatulan ng bitay. Malamang nagtataka pa rin ako kung may mga taong nabitay na, (syempre!) at ang totoo eh inosente naman pala. Pero sa tingin ko eh malabo yun. Kelangang lumitaw ng isang bigating witness, bago mahatulan ang isang akusado ng bitay. (yun!)

May nabasa akong balita sa philstar kanina, at ang balitang yon eh walang pinagkaiba sa ginawa ni Echegaray sa kanyang anak. Isang malakas na sampal ang tinanggap ng isang ama mula sa isang mayor, ang dahilan eh dahil ginahasa di-umano ng ama ang kanyang sariling anak. Aba’y kawalang hiyaan din ang ginawa ng ama na yon! At napakahayop nya para gawin yon sa kanyang sariling anak. Isa syang demonyo.

 Sa tingin ko, kahit hati ako sa issue ng death penalty at reclusion perpetua (life imprisonment), nararapat na rin na magpanukala ng batas para sa lethal injection. Alam ko at alam nio na dumarami na ang karahasan at patayan dahil alam mismo ng mga gumagawa non, na takot sila pag naging legal na naman ang lethal injection dito sa bansa. At alam nio na hindi sapat para sa mga gumawa ng karumal dumal na krimen ang mapatawan lamang ng habang buhay na pagkakabilanggo. Ang buhay na sinira ng isang kriminal ay di na mababawi pa, and still I believe in the “eye for an eye” philosophy. Ang buhay na sinira nya, buhay din nya ang magiging kabayaran.

On the Government Side:

Di ko na matandaan kung kelan talaga inabolish ng administrasyong Arroyo ang Death Penalty. Ang pagkakaalam ko, ang simbahan ang syang tumututol sa parusang kamatayan, at ang isang asset ng administrasyong ito ay ang simbahan. Noong kasagsagan ng muntik na pagpapatalsik sa administrasyong ito, ang simbahan ang nagsilbing matatag na tagapagtanggol nito. At dahil “submissive” ang administrasyong Arroyo, syempre, tutol na rin si President Arroyo sa parusang kamatayan. Siguro eh dahil alam ni Arroyo na mapapakinabangan nya ang simbahan sa bandang huli. At sakaling tuluyang mawala na ang tiwala ng taong bayan kay Arroyo, syempre kanino na nga lang ba ang simpatya?

Alam kong matagal ng sinunod ni Arroyo ang utos ng simbahan. Pero ang ipinagtataka ko lang eh kung bkit noong mga panahong yun, eh uraurada ang pagdedesisyon nyang iabolish ang parusang kamatayan, at instead, habang buhay na pagkakulong na lamang ang ipapataw sa mga demonyong napatunayang nagkasala? Dahil ba ramdam na ni Arroyo nung mga panahong yon na nalalapit na ang kanyang pagbagsak? duwag pala sya eh! duwag na nga, magnanakaw pa! kaya d na nakapagtataka kung bkit nagdalawang isip ang World Bank kung pauutangin pa ba ang Pilipinas.

Now this leaves us with this question: Payag ba kayong ibalik ang Lethal Injection dito sa bansa, o mananatili na lang sa habang buhay na pagkakabilanggo ang pinakamataas na parusa?

 

Ayon sa Survey: Mga Pamilya ng OFW, masyadong Maluho

Nobyembre 8, 2007

Tulad nga ng sinabi ko sa mga previous entries ko, isang paraan para takasan ang kahirapan ng bansa ay ang pagiging OFW. Nakakatulong ang mga OFW sa kani-kanilang pamilya sa pinansyal na aspeto. Let’s face it, mas malaki ang sahod ng isang OFW, kumpara sa nagttrabaho sa pilipinas. dahil nga sa laki ng sahod ng mga OFW, at sa laki ng pinapadala nilang remmitances, cno bng d masisilaw sa kinang ng dollars, yen, at euros, dba??

may kwento ako sa inyo. eto’y tungkol sa aming kapitbahay noon na may asawang OFW. Itago na lang natin sya sa pangalang *Rita*. Ang mister ni Rita ay isang OFW. Nakapagpundar sila ng maraming sasakyang pangnegosyo, bahay, lupa, at tindahan pa! Maayos ang buhay nila noon, si Rita ang nagmamanage ng kanilang tindahan. At eto pa, nakapagpatayo pa sila ng isang branch ng store. o dba? masasabi nating marami na silang naipong puhunan bago pa man nya maipatayo ang negosyo at bago pa man sya nakapagpundar ng sasakyan nya. pero sa paglipas ng panahon, bigla na lang naging maluho si Rita. Di nya napigilan ang malling, mga alahas, etc. etc. Dahil sa pagiging maluho nya, lubog sya sa utang. at ano pa nga bng maaasahan natin? Bumagsak ang negosyo nya. Biglang bagsak ang estado ng pamumuhay nya, dahil ang mga sasakyan nya eh nabenta na, at mukhang napipinto pa nga yata na mabebenta ang bahay nya. Nakakaawa naman ang pamilya nya, kung naging matipid lang sana c Rita, ndi sana hahantong sa ganyan. kea lang, d na maibabalik pa ang mga bagay na kanyang naibenta. At ang perang pinapadala sa kanya buwan buwan ay mistulang naglahong parang bula.

Nalulungkot ako sa sinapit ni Rita. At hindi lang si Rita ang nag-iisa sa ganitong scenario, marami sa mga pamilya ng OFW ay d umuunlad, dahil sa maluhong estilo ng pamumuhay. Ayon sa survey, tatlong beses o mahigit nagmamalling ang mga pamilya ng OFW, minsan, bumibili pa ng kahit anong bagay kahit ndi naman mahalaga (tulad ko, paminsan minsan.) Hindi ko opinyon un, un ang sinasabi ng survey. Ubos ubos biyaya ‘ika nga, kea walang naiipon. Minsan eh sinisisi pa nila ang gobyerno kung bkit d rin sila umuunlad, at un ay isang napakalaking kalokohan. Kaya d kayo umuunlad eh dahil ndi rin kayo marunong magmanage ng budget ninyo. May tinamaan ba? Pwes wag kayong magalit, it’s your fault! Sana noong mataas pa ang halaga ng dolyar eh sinamantala nio na, eh ngeong lagapak na ang dolyar? Eh di mas lalong sumakit ang ulo nio kung pano nio babadgetin yang mga nilalamon nio at yang mga lacoste at Bvlgari nio sa katawan, eh kahit walang wala na eh nakukuha pang maglagay ng arte! Pinoy talaga!

Bilang isang anak ng OFW, nararamdaman ko kung gano kahirap ang mawalay sa mga mahal sa buhay. Dama ko ang hirap na dinadanas ng father ko, mabigyan lng kme ng maginhawang buhay. At eto nga, ndi ako magaalinlangang sabihin na nagbago ang buhay namin at naging maganda. Yun eh dahil alam namin kung ano ang kelangang bilhin. Pero minsan, may mga bagay talaga na hindi mo matiis, dba? hehe

Payo lang, Lagi niong itimo sa isipan na ang hirap ng mga kamag-anak niong OFW sa ibang bansa ay ndi biro, mabigyan lang kayo ng perang magagamit nio sa pang araw araw. Wag niong sasayangin ang perang yan, dahil ndi rin naman sila permanenteng maninirahan don. uuwi’t uuwi rin sila sa home sweet home, Pilipinas.

Educational Attainment at Gender sa PAGTATRABAHO sa Pilipinas – dapat pa bang inuusisa?

Nobyembre 5, 2007

“wanted:Factory Worker”
“must be at least 21 years old, male “
“must be at least high school graduate”

……………………….

Malamang nabasa nio na to sa mga pahayagan. Ang bahagi ng nabasa nio ay ang tinatawag na classified ads. Ito ang mga advertisements na nagpopromote ng mga specific na bagay. Like House, rent, apartments, etc. Pero ang pinakapopular ay ang Job Seeking section.

Nais kong ibahagi sa inyo ang isa na namang hindi ko nagustuhang pamamalakad ng ating sistema dito sa bansa. alam kong makakatulong at possibly, mamulat ang ibang mga employer, kung mababasa nila ang blog entry na to.

Ang mga pilipino ay likas na malikhain, at maabilidad. kaya naman hinahangaan tayo ng mga banyaga dahil sa ganitong kaugalian. subalit, kung sa edukasyon ang ating basehan, nako.. eh mukhang tagilid ata. OO at napakataas ng literacy rate natin (ibig sabhin, halos lahat ng taong nakatira sa pilipinas ay marunong magbasa at magsulat), ngunit, ang pagkakaintindi sa mga binabasa ang syang malaking problema.

Nurses, Doctors, engineers, architects, accountants, teachers at iba pang mga professionals, sila ang puspusang nag-aaral para makamit nila ang propesyong pinapangarap nila. kelangan nilang pumasa sa tambak na examinations para sa kanilang lisensya. tama lang ang ganitong sistema ng pagsasala kung cno ang karapat dapat sa isang propesyon. masisiguro natin ang kalidad ng isang professional pag sya ay nakapasok sa sinasabi nating butas ng karayon. sila ang nangangailan ng mga istriktong requirements that they should meet if they want to apply for a job. lahat ng diploma, lisensya, at iba pang magpapatunay na sila nga eh karapat dapat sa trabahong papasukan, eh kelangan maipasa.

Dumako tayo sa mga ordinaryong tao. Alam nio naman ata kung gano kahirap ang buhay sa Pilipinas, kea ang iba nating kababayan eh nangingibang bayan para lamang mabigyan ang kani-kanilang pamilya ng magandang buhay. Ngunit, sadyang napakataas ang standard ng Pilipinas. At dahil sa mataas na standard na yon, kaya d tayo umuunlad. at ipapangalandakan ko, BULOK ang sistema ng Pilipinas.

Let’s get straight to the point, ang makikita nio sa heading ng blog entry na ito ay isa lamang halimbawa ng bahagi ng classified ads sa isang Philippine Newspaper. Sa tingin ko, ang mga katangian na dapat taglayin ng isang factory worker ay ang maabilidad, masipag, at may avergae IQ. Dapat ay dedicated rin sya sa trabaho nya, kasi ano nga naman ang silbi ng pagiging masipag, hindi po ba? Sa educational attainment na High School Graduate, sa tingin nio, kelangan ba ng isang factory worker ang gumamit ng mga law of bouyancy o kahit anong laws sa physics? Will he/she be able to use the topics of trigonometry, sin, cos, tan, etc? ang grades ba sa grammar at thesis ang dapat na maging basehan kung sya ay mag-aapply sa nasabing trabaho. I hypothesize, alam ko ata ang sagot nio noh. ISANG MALAKING HINDI.

Sa ibang bansa, partikular na sa Japan kung san maraming Kaisha (o masasabi na rin nating isa sa mga branches ng factory sa Japan, please correct me if I am wrong), hindi nila inuusisa kung ano ang natapos mo, at kung ano ang kasarian mo. sa mga foreigners na nagttrabaho don, tulad na lang ng papa ko, eh kelangan pa nilang magpresent ng copy ng visa nila. ang importante sa mga hapon, eh kelangan mo lang na maging masipag, dedicated sa trabaho, at syempre marunong magbasa at magsulat. Hindi na nila inuusisa ang galing sa math, english, chemistry, etc. Kahit magaling ka pa sa mga ganung subjects, kung ang papasukan mo namang trabaho sa Japan eh sa kaisha, SO WHAT?

dapat yan ang ginagaya ng mga employer sa Pilipinas. at sa tingin ko, ang blog entry na ito ay may posibilidad na mulatin ang mga mata ng mga tatanga tangang mga mata ng mga opisyales ng gobyerno, na ito nga ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang walang trabaho o JOBLESS. kaya sa tingin ko, kahit tapos lang ng elementary ang magaapply ng trabaho sa factory sa Pilipinas, eh kelangan nilang tanggapin, basta’t hindi tatamad tamad sa trabaho at madaling makaintindi ay OK na. ano ang kaunlarang inaasahan ng gobyerno kung ang mga mamamayan naman eh walang trabaho. bulok talaga, ayaw paganahin ang mga utak. may standards pa kayong nalalaman eh sa sariling kapakanan lang naman ninyo magagamit ang standards standards na sinasabi ko. hay nako!

at eto pa ang isa, GENDER (kasarian). magbibigay ako ng isang halimbawa ng classified ads.

Wanted: Cashier, FEMALE, 20-23 years old, at least high school or college level.

sa pagkakataong ito, MAKATUWIRAN ang educational attainment sa nasabing trabaho. hindi lang ang katangiang kasipagan ang batayan sa pagiging kahera, at ang pagiging matapat sa trabaho, pati na rin ang pagiging magaling sa math! dapat na tiyaking tama ang lahat ng perang natatanggap nya, at di yon dapat magkulang o sumobra, kung ayaw nyang masisante sa trabaho nya! haha. ngunit, ang d ko lang maintindihan eh bakit babae ang karapat dapat na mapasok sa ganitong uri ng trabaho?

Sa Pilipinas, mukhang pinaiiral pa rin ang classification ng strength ng isang gender. Pinapalabas na ang mga lalake eh mas malalakas, kesa sa babae. ITO AY HINDI TOTOO. ang mga gawain ay di kinekwestyon kung babae ka man o lalake. Lahat ng ginagawa ng mga babae eh kaya ring gawin ng lalake, except sa pagbubuntis, pagreregla, and sexual matters. Eto ang isa na namang problema at sabihin ko ng, kabaduyan ng pinoy. Anong masama kung may babaeng taxi driver, o lalakeng cashier, o lalakeng manicurista? what the heck, ano bang klaseng utak meron ang ibang tao at bakit pinagtatawanan nila ang mga taong may ganitong klaseng trabaho? Does that mean, they don’t belong to that occupation, it’s because of their gender? Ginagawa nila yon, kse pakiramdam nila kaya nila, at kumportable sila sa ginagawa at trabaho nila. at para na rin yon sa kabuhayan nila.

ewan ko ba kung bakit hanggang ngeon, nasa bagong siglo na tayo, eh nag-aala MARIA CLARA pa rin ang ibang mga kababaihan. it’s so weird, no wonder, pinagtatawanan at inaalipusta ang mga Pilipino, dahil sa mga weird attitudes. Baguhin nio na yan para di na malait ang pilipino sa ibang bansa. Masyadong big deal sa inyo kung pupunahin lang ang kabahuan ng Pilipino, eh totoo naman!

Kung may violent reactions kayo, mangyaring magcomment lang. Salamat

 

 

 

P43.675 to US$1 (according to Philstar.com), ito ba ay talagang ramdam ng masang Pilipino?

Nobyembre 3, 2007

Ang pinagmamalaki ng ating gobyerno, “gumaganda na raw ang ating ekonomiya”.
ayon sa nabasa ko kanina sa philstar, at ayon na din sa narinig kong balita kani-kanina lamang,tataas na nman ang presyo ng kada bariles ng langis. pumapalo na ito sa pinakamataas na presyo sa kasaysayan, at hindi pa rin sigurado ang mga malalaking kumpanya ng petrolyo kung tuloy tuloy pa rin ang pagtaas ng langis. iisa lamang ang ibig sabihin nyan, kawawa na nman si Juan dela Cruz. at dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, tataas na nman ang mga pangunahing bilihin (bigas, mga pagkaing nabibili sa palengke, etc.) kawawa naman ang mga kababayan nating “isang kahig, ‘sang tuka”.. kelangan pa ata nilang triplehin ang kahig na yon, makatuka lamang. tsk tsk.. ang ipinangangalandakan ng gobyernong gumaganda na ang ekonomiya ng Pilipinas, eh ramdam ba ng isang ordinaryong mamamayan ng bansang ito?

ang mga salaping ito ang nakakatulong sa bansa, upang mabayaran ang trilyong utang natin sa world bank. kanino pa kaya galing ang mga ito, kundi sa mga pilipinong nakipagsapalaran sa ibng bayan, mabigyan lamang ang kanilang pamilya ng maginhawang buhay

nagsara ang piso kontra dolyar sa 43.675 PHP. sbi nga ni karen davila, eto na ang pinakamataas na antas ng piso sa loob ng pitong taon. naiimagine nio ba ang buhay nio pitong taon na ang nakararaan? dumaan ang 2001 hanggang 2005, umabot sa 56 pesos ang palitan ng piso kontra dolyar, ang mga mahihirap ay lalong nagiging mahirap. at pati mga middle class, nakakaranas din ng pagtitipid, dhil ayaw nilang maglabas ng kahit barya man lamang. ngeong 2007 ay bumalik na sa 43 ang palitan ng dolyar. Pero, bakit ganon? Bakit patuloy pa ring naghihirap ang mga Pilipinong umaasa sa sinasabi ng gobyerno na gumaganda na ang ating ekonomiya? 43 pesos = 1US$, bakit patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin? imbes na lalong guminhawa ang buhay, ot changed for the worse!

Siya ay isang OFW na nagtatrabaho sa Paris, France. Tinitiis nya ang lungkot at pagkahome-sick, para lang mabigyan nya ang kanyang pamilya sa Pilipinas ng maginhawang buhay.

naiintindihan ko kung bakit bumaba ang dolyar. bilang isang anak ng OFW, naniniwala akong nakatulong ang mga remmitances na pinapadala sa amin buwan buwan, o minsan, every quarter of the month. maraming pilipino ang nakipagsapalaran sa labas ng bansa, at dahil dito, marami ang naitulong nila hindi lang sa pamilya, kundi para na rin sa ikauunlad ng pilipinas. pakiramdam ko, sa mga balitang naririnig ng mga pilipino sa ibng bansa, malamang eh dismayado sila sa estado ng bansa natin ngeon. Ang Pilipinas ang pangalawang pinakacorrupt na bansa sa buong mundo. aba’y mantakin nio po yon! kaya hindi na nakapagtataka kung bakit karamihan sa mga professional dito sa ating bansa ay lumipad na patungo sa mga bansang sa tingin nila eh makakasumpong ng kaginhawaan at greener pastures. at ang iba sa kanila, ay umaasa pang magbabago ang takbo ng pamumuhay ng bansa naten, kahit na sa tingin ng ilan eh wala na talaga.

at ngayon, damay na rin kaming mga pamilya ng OFW. sa napakababa ba naman ng exchange rate, pano pa kaya namin pagkakasyahin ang mga gastusin sa araw araw. pero at least, hindi kami isa sa mga survey na nagsasabing ang mga pamilya ng mga OFW eh masyadong maluho. sa katunayan, nagtitipid po kami para sa negosyong binabalak namin. alam nio naman, ang tingin ng ibng mga kamag-anak ng mga OFW sa pilipinas eh masarap ang buhay sa ibang bansa. OO nga at malaki ang sinasahod nila, pero ang lungkot na nararamdaman nila ay walang halong biro. kaya d na rin nakapagtataka kung bakit karamihan sa mga pamilya ng OFW ay d umaasenso.

- Ang Gobyerno natin ay malakas sa salita, kulang naman sa gawa –

Ang gobyerno natin ay abala sa mga programa para sa modernization ng ating bansa. Kabilang na ang naudlot na national broadband deal. Eto ang dahilan kung kaya’t taas noo nilang binibitawan ang mga salitang “Gumaganda na ang ating ekonomiya”. Ang nakakahiya pa, eh marami na nga ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong sa gobyerno, ang gobyerno naman natin, walang iniisip kundi ang magwaldas ng magwaldas. At para san? sa ikauunlad ng bayan? sa ikaaasenso ng bawat Pilipino? aba’y lumang tugtugin na po yan. Ilang taon ng nagtitiis sa hirap ang mga pamilyang kumikita lang ng minimum wage. Ilang pangako na ang napako. Wag naman sanang paaasahin ang mga nakakaawang tao.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago. At tuloy pa rin kaming naghahangad na sana’y tigilan na ng mga opisyal sa gobyerno ang corruption. Sana naman, kung magbibitiw kayo ng mga statement na gumaganda na ang ekonomiya, tignan nio muna ito sa estado ng pamumuhay ng bawat pilipino. Wag gawing basehan ang exchange rate, foreign investors, etc. Ang totoong magandang ekonomiya, ay ang maunlad na Pilipinas.

 

PILIPINAS – Isang bansang walang patutunguhan?

Oktubre 30, 2007

may nakikita pa ba kayong pag-asa sa kabila ng lahat ng kaguluhang nagaganap sa kasalukuyan? Pilipinas, san ka patungo?

 

bata pa lamang, dumanas na ng matinding kahirapan. at ang ikinabubuhay ng mga magulang ng batang ito ay ang pagbabasura lamang. eto ba ang umuunlad na pilipinas? eto ba ang pinagmamalaki ng presidenteng maganda na ang ekonomiya? bakit may ganito? mga opisyal ng gobyerno, hindi nio ba alam na sa bawat panunupit ninyo sa kaban ng bayan eh may winawasak kayong mga pangarap?

Corruption,

 

Kahirapan

 

dalawa lng yan sa masasabi kong pangunahing problema ng bansang ito. ngunit sa kabila ng lahat, bakit may ibng tao pa ring kahit salat na sa kayamanan eh nakukuha pa ring ngumite. un eh dahil sa nakaugalian na ng mga tao sa bansang to? o di naman kaya eh dhil natuto na ang mga pilipino na makuntento sa mga maliliit na bagay?

 

actually, hindi naman talaga masamang hindi makuntento sa mga bagay na kung anong meron tayo. at lalong hindi naman masamang mangarap ng mataas.. ang masama eh kung labis labis na ang mga eto. all things should be done in moderation. kung hindi tayo makukuntento ng labis sa mga bagay na kung anong meron tayo, may posibilidad na gumawa tayo ng masama. at kung masyado namang matayog ang mga pangarap natin, eh baka sa bandang huli, mabigo pa tayo.

 

“pwede na”, eto ang isa sa mga ugaling d ko nagustuhan sa bansang Pilipinas. ang ugaling to ay tipikal na sa isang pilipino, dahil natuto na silang makuntento sa kung anong meron sila. ang hindi ko makakalimutang halimbawa na sinabi sa akin ng teacher ko noong high school ay ang intsik at ang pilipino. Ang intsik, ayaw nilang maging mga empleyado ng isang kumpanya, dahil ang iniisip nila ay ang kanilang ikauunlad sa buhay. iniisip nila ang pagtatayo ng negosyo, at sila mismo ang magiging amo. pero, ang mga pilipino, nakuntento na kahit sa pagiging empleyado lamang. kya kung minsan, naiinis ako sa mga taong batikos ng batikos sa gobyerno na parang alam nila ang lahat, at laging ang gobyerno ang sinisisi sa paghihikaos nila. oh well papel, malaking factor din sa paghihirap ng pilipinas ang gobyerno natin, which is a fact dahil kaliwa’t kanang katiwalian ang nagaganap. at ang gobyerno ay ating tatalakayin maya maya lamang. balik tayo, bakit di na lng din sila kumayod para sa sarili nila. bat di nila gayahin ang ugaling intsik, madiskarte sa buhay, hindi maluho bagkus matipid, at walang inuurungan. yan ang taong may patutunguhan.

eto ba ang pinagmamalaki ng gobyerno na umaasenso na ang ekonomiya ng pilipinas? think again..

 

Ang gobyerno ng pilipinas ay isa sa masasabi kong bulok sa buong mundo. marami akong kakilalang mga pilipinong nangibang bayan at sabi saken, wala na raw silang balak balikan ang pilipinas. dahil ang estilo ng pamamalakad ng gobyerno ng pilipinas eh puro salita, ang lakas pang mangurakot. maganda ang mga batas ng pilipinas, and actually, it is one of the niciest laws here on earth, according to my economics professor. I wonder why these laws are only ignored by our senators, at ang mga batas na pinagkakaabalahan lang nila eh para lang sa sarili nilang kapakanan. gusto nio ng halimbawa? ano ang batas ng 12% Value added Tax? sa tingin nio, mapapakinabangan to ni Juan dela Cruz? eh halatang pahirap ito sa bansa naten! ayon sa aking mga nababasa, ang nagpanukala ng batas na yan ay walang iba kundi si Senator Ralph Recto. (kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit natalo sya noong eleksyon), BUTI NGA SA’YO! ang narinig ko sa balitang yan, marami ang magiging proyekto ng gobyerno para sa ikauunlad ng pilipinas, kaya sila nagtaas ng 2 percent Value added tax, from 10% to 12%. eto namang mga proyektong to ay papakinabangan daw di-umano ng mga pilipino. MGA SINUNGALING! san na napunta ang vat na yan? sa mga bulsa ng mga walang konsensyang senador, mga tao sa kamara, at kung san pang sektor ng mabahong gobyernong ito? nakakapagod isipin at alam kong paulit ulit ang ganitong issue ngunit, ipinapangalandakan at ipinapamukha ko sa mga pulitikong walang sawa sa pangungurakot ang katotohanan. They have all in one thing, they have no shame. Therefore I conclude, the Philippine Government is a corrupt, evil government.

sa tingin nio, uunlad ka ba pag ganito karami ang obligasyon mo? ilang kilo kaya ng bigas ang nauubos ng mga to sa isang pananghalian? esep esep…

 

Filipino families are one of the most common families in the world. Bakit? ang mga pilipino lang ang may close family ties. sa isang filipino house, maaring kasama ang lolo, lola, mga pinsan, aunt, uncle, o kahit ang mga in-laws pa! bongga! kaya naman naiisip ko, kawawa naman ang mismong breadwinner na sumasahod lang ng 10,000 pesos o kulang pa! maaaring ang ikakatwiran nio eh para masaya. o di naman kaya eh para mapakinabangan nio sila? hay, ang tatamad naman, pati ba sariling pananagutan eh iaasa pa sa kamag-anak! hala bira! cge magpakarami pa kayo!

 

 

a typical filipino family has many children, the reason, para maraming mapakinabangan ang mga parents sa pagtanda nila. and then they would blame others kung bakit naghihirap sila, eh ang dami nio pong anak. nasarapan ka ba mister?

 

speaking of pagpapakarami, isa ito sa mga factors kung bkit ang ibang mga anak eh di natutupad ang mga pangarap. get what I mean? halimbawa, sa walong magkakapatid, dalawa ang nasa kolehiyo, apat naman ang nasa high school, isa sa elementary, at isa naman, sanggol pa. ang tatay ay sumasahod ng, sabihin na nating 10-12,000 pesos (maliban na lang sa mga SSS, Taxes, etc) ang nasa kolehiyo ay pinilit ng mga magulang na magnursing, kse gusto nila para sa anak nila na may mapakinabangan sila. anong klaseng mga magulang yon? at tsaka, sa liit ba nman ng sinasahod ng tatay, sa tingin nya kaya pa nyang mapagkasya ang ganyang halaga sa sampung miyembro ng pamilya, syempre nanjan pa c nanay at syempre ang tatay, so sampu lahat! ang ibang mga pamilya eh nagsisisi kung bkit nagpakarami sila ng anak, eh hindi naman pala nila kayang panindigan? sa paglalarawan kong yan, alam kong marami ang nasasagasaan, dahil alam kong tipikal ito lalong lalo na sa mga rural areas ng pilipinas. Ang Amerika, Japan, Canada, Australia, at ibng mauunlad na bansa, wala silang gaanong close family ties, pero tignan nio, kay ganda ng ekonomiya! all people meet their needs, demands and wants, kase, konti lang ang obligasyon nila! walang mga streetchildren, mga nanghihingi ng limos. Bakit di na lang natin gayahin ang ganyang estilo ng pamilya. Kahit kapatid mo yan, o tiya, tiyo, o pinsan, o kahit in-laws, may kanya kanya kayong buhay. may kanya kanya kayong pananagutan. kaya wag mo syang pakealaman. kung may ekstra ka namang pera sa oras na mangailangan sya, dun mo pahiramin , pero wag mong hayaang mamihasa. may tamang oras din sa mga ganyang bagay. ‘ika nga, sbi ngakaibigan ko, “walang kamakamag-anak!”

 

isa o dalawang anak, pwede na! o tignan nio naman, ang saya nila dba?

 

sa 17 years kong pamumuhay dito sa pilipinas, alam ko lahat ng pasikot sikot dito. Habang tumatagal, nagtataka ako, kung may patutunguhan pa nga ba ang bansang to, sa kabila ng mahabang litanyang mababasa nio sa itaas. malamang may pag-asa pa ang pilipinas, ngunit konti na lang. ang liwanag ng pag-asa ay unti unti ng nababalot ng kadiliman, at pati na rin ako eh nawawalan na rin ng pag-asa. ngunit kung hahayaan natin ang mga ibang taong tumayo sa sarili nilang paa, at kalimutang umasa sa mga kamag-anak, o kahit sinong tao, malamang eh babalik ang makinang na liwanag ng pag-asa. hwag hayaang bumalot ng tuluyan ang hopelessness. wag munang maniwala sa mga sinasabi ng mga pulitiko. at higit sa lahat, magtiwala sa sarili.

 

 

kumilos, habang hindi pa huli ang lahat…

 

 

 

 


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.